Wala talagang takot ang mga durugista! Dahil sa pagiging sakim nila sa pera, kahit na inuubos na ang mga kauri nila ay itutuloy pa rin nila ang kanilang operasyon.




Nadiskubre sa isang bahay sa Mangga Street sa San Juan ang humigit-kumulang 500 kilo ng shabu o kalahating tonelada ng iligal na droga. Sa Facebook post ng ABS-CBN reporter na si Jasmine Romero, makikitang nakalagak ang mga iligal na droga sa isang magarang bahay. Ang mga shabu ay nakalagay sa 56 na malalaking bag. Ayon sa report ng ABS-CBN, nakakahalaga raw ang mga ito ng 3.35 bilyong piso.

“We have been watching the house for more than a month after an informant came to authorities, telling us about the illegal drugs trade in the area, We were armed with a search warrant after confirming the existence of drugs inside “ sabi ni Eastern Police District chief Romulo Sapitula.

Anim na tao ang naaresto sa isinagawang raid. Tatlo ay Pilipino habang ang iba ay pinaniniwalaang Chinese o Taiwanese. Ito na ang pinakamalaking drug raid na naisagawa sa bansa.

Solve ba kayo sa war on drugs ng Duterte Administration?