“…the President will not condone any unlawful move to wrest power from all duly elected officials of the government, including himself, who carry the mandate not only of the Filipinos who voted for them, but also of all Filipinos who firmly believe in the ideals of democracy and the rule of law,”


Ito ang naging babala ng Malacañang sa mga grupong may balak na tanggalin si Presidente Duterte sa pagka-Pangulo. Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, nire-respeto nila ang kalayaan ng bawat isa na pumuna sa pamahalaan pero hindi nila hahayaan na mauwi ang mga pagkilos na ito sa destabilisasyon.

“In the same vein, the President respects and upholds the constitutional rights of our people to voice out grievances and even dissent against the policies and decisions of the administration,” sabi ni Andanar.

Sa isang talumpati, binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pina-plano ng mga grupong maka-dilaw. Base sa Pangulo, hindi raw matanggap ng mga ito ang pagkatalo noong eleksyon.
“The yellows, you stage demonstrations, you want me out because you cannot accept defeat. Politika yan…they wanted me out siyempre, yung (of course the) vice president. You had your chance,” buwelta ni Presidente Duterte.

Ipagtatanggol niyo ba ang Presidente pag ikinasa na ng kaaway ng administrasyong ito ang kanilang binabalak?