Tinitignan na ng Duterte Administration ang psoibilidad ng paggamit ng Drones o Unmanned Aerial Vehicles para mabantayan ang mga proyekto ng gobyerno. Ang karamihan sa mga drones ay may kakayahang kumuha ng litrato o video na magagamit para ma-monitor ang mga imprastrakturang ipinapatayo ng Duterte Administration.




Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ilalagay sa mga website ang mga larawan at video footage na makukuha ng mga drones para magkaroon ng access ang publiko dito.
“So this will be open to the public and available to anyone who’s interested, both, as I said, drone pictures, drone images, as well as financial contract information. So this is going to be done in that fashion,” sabi ni Dominguez.

Sang-ayon ka ba  na gumamit ng drones para matutukan ang mga proyekto ng gobyerno?