Kasado na ang pagpapatayo ng isang modern at world-class drug rehabilitation center sa Davao City. Noong December 6, pinangunahan ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte ang ground breaking ceremony para sa naturang pasilidad.
Ang drug rehab center ay pinondohan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at Resorts World Manila. Ayon sa Presidente ng Resorts World Philippine Cultural Heritage Foundation na si Kingson Sian, napili nila ang Davao dahil dito raw nagsimula ang giyera kontra-droga sa bansa.




Ang naturang istraktura ay may lawak na 7000 sqm. Mayroon din itong malawak na visiting area at dining area para sa mga pasyente.
Ayon kay Mayor Sarah DUterte, makakatulong ng husto ang center sa kampanya ng pamahalaan kontra-droga. Magiging daan daw ito para maayos na pagbabagong buhay ng mga drug dependents.
“Today, we break ground on the future site of a facility that will enable us to help more drug dependents win of their destructive habits so that they may return from their families as renewed individuals, move forward with their lives and contribute to nation building,” Mayor Duterte said.

Bilib ka ba sa trabahong ipinapamalas ng kasalukuyang administrasyon?