Sa isang maikling panayam ng mga media kay Senator Alan Peter Cayetano, ibinunyag ng senador na may ilang oligarchs ng nagnanais tanggalin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-Pangulo. Ayon pa kay Cayetano, ang ilang sa mga ito ay may mga negosyo na tinatamaan ng mga repormang ipinatutupad ng Duterte Administration.




“We have to ask ourselves twice. Meron iba na gusto lang mapa-upo ang kanilang kandidato but yung iba nasasaktan. Do you think ‘yung hindi pagtanggap ng Pangulo sa mga oligarchs, walang oligarchs ang masasaktan ngayon? ‘Yung kay Jack Lam for example na ipinahabol ng Presidente because hindi siya papayag ng ganun klaseng panunungkulan sa atin. Oh ‘yung illegal gambling na pinagsabihan nang Presidente at may aksyon na ang PCSO na magbayad na ng tama sa small-time lottery. ‘Yung mga factory na ng sigarilyo, hundreds of millions na ang nahuhuli. Lahat yan ay may interest na mawala ang ating Pangulo because of the reforms that are taking place.” sabi ni Cayetano.

Naniniwala ka ba sa pagbubunyag ni Sen. Cayetano? Handang mo bang ipaglaban ang demokrasya at ang Pangulo kung isakatuparan ng mga oligarchs ang kanilang binabalak?