Patay sa pananaksak ang 16-anyos na grade 10 student ng Pine CIty National High School sa Baguio City. Ang biktima ay kinilalang si Kenneth Velasco. Nagtamo ang estudyante ng 40 na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.


Ayon sa ina ng biktima na si Claire Velasco, tahimik na estudyante lang raw ang kaniyang anak at hindi din mahilig sa basag ulo.
“Wala naman siyang kaaway. Di siya kasama sa frat. School at bahay lang talaga siya. Sana sa gumawa nito makonsensya ka. Di mo na lang iniwan yung anak ko ng buhay,” sabi ng Nanay ng Biktima.

Sa imbestigasyon ng otoridad, nalaman na nawawala ang cellfone at 200 pesos na baon ng biktima, kaya isa sa tinitignan angulo ng koulisan ay Robbery. Napag-alaman din na dumaan ang biktima sa shortcut papunta sa kanyang paaralan.
Hindi pa nagbibigay ng reaksyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kasong ito?

Anong masasabi niyo sa aksyon ng CHR sa trahedyang ito?