Kumakalat ngayon sa Facebook ang post ni dating Manila Councillor Greco Belgica. Ibinunyag ni Belgica na nagpunta raw si Vice-president Leni Robredo sa Laguna upang humingi ng tulong sa isang alkalde para makahakot ng tao sa gagawin kilos-protesta. Ang impormasyon daw na ito ay galing sa kanyang trusted source.




Ang masama pa dito ay gagamitan daw ng DAP money ang ikinakasang kilos-protesta. Ang DAP o Disbursement Acceleration Program ay naging malaking isyu noong panahon ng Aquino Administration. Ginamit raw ang DAP upang suholan ang mga senador at kongresista para ma-impeach si Chief Justice Renato Corona.

Ang post ni Belgica ay umani na ng libo-libong reaksyon sa mga netizens at nai-share na rin ng mahigit isang libong beses. Sa comment section naman ng post ni Belgica, makikita ang pagkamuhi ng mga tao sa Liberal Party.

Naniniwala ba kayo sa sinabi ni Mr. Greco Belgica? Nagtitiwala ba kayo kay Robredo?