Pinupuna ngayon ng mga netizens si VP Leni Robredo dahil sa pagpunta nito sa Estados Unidos habang ang mga kababayan niya sa Bicol ay hahagupitin ng Bagyong Nina. Si Leni ay taga-Bicol at ang lugar niya ay makakaranas ng signal no. 2 ayon sa PAGASA. Hindi tuloy mapigilan ng ilan nating kababayan na kuwestiyonin ang sinseridad ni Leni sa pagse-serbisyo sa bayan.




Ilang katanungan din ang lumilitaw kung bakit nasa Estados Unidos si Robredo. Ayon sa ilang kilalang political commentator, kahinahinala ang pagpunta ni Robredo sa Amerika, lalo na sa New York. Sa New York kasi naka-base si Loida Nicola-Lewis, ang nagpaplano daw na magpatalsik kay Presidente Duterte. Si Lewis ay isang bilyonarya at kilalang supporter ng liberal party.
Ilang linggo ng usap-usapan ang pina-planong pagpapatalsik ng mga Anti-Duterte groups kay Pres. Duterte. Ayon sa ilang prominenteng political analyst, isasagawa raw ang protesta laban sa Pangulo sa first quarter ng 2017. Matatandaang nagpunta rin raw ang kilalang coup plotter na si Antonio Trillanes sa New York ilang linggo na ang nakararaan.

Ano ang reaksyon niyo sa pagpunta ni Leni sa New York habang hahagupitin ng bagyo ang mga kababayan niya? Posible kayang  konektado ang pagpunta ni Leni sa New York sa pagpapatalsik kay Pres. Duterte?