“You destroy my country, I destroy you!”

Ito ang naging pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa mga durugista sa Pilipinas. Ayon pa sa Pangulo, ibigay lang daw sa administrasyon niya ang death penalty ay aaraw-arawin niya raw ito at 5 hanggang 6 na katao ang masasampolan bawat araw.




“Eh sana sabihin na, eh bakit hindi hingiin ni Duterte iyang death penalty. Eh may death penalty wala namang nangyari noon. Eh anak ka ng–ibalik mo sa akin iyan, ako ang mag… araw-arawin ko iyan, lima o anim. Totoo. Kaya ko hinihingi kasi talagang hihiritan kita,” sabi ni President Duterte.
Hindi raw titigil ang Pangulo sa pagsugpo sa mga durugista hangga’t mayroon pang natitira sa kanila. Pino-protektahan niya lang raw ang susunod na henerasyon ng Pilipino kaya niya inutos ang giyera kontra-droga.
Naipasa na sa committee level ng kamara ang Death Penalty bill. Sa mga susunod na linggo ay masasala na rin ang panukalang batas na ito sa senado.

Payag ka bang maibalik ang death penalty sa bansa? Payag ka rin ba na 5-6 katao ang bibitayin araw-araw?