Ang tinaguriang “Mother Of All Drug Lords” sa ating bansa ay pumunta sa Estados Unidos para tumanggap ng parangal. Ayon sa report ng ANC, ang award na natanggap ni Senadora Leila De Lima ay patungkol daw sa paninindigan nito kontra sa war on drugs ni Pangulong Duterte.




Ang kakatuwa sa award giving body na nagbigay ng parangal kay De Lima ay hindi nila inalam ang kinakaharap na kaso ni De Lima sa Pilipinas. Akala siguro ng mga bbumubuo ng award giving body ay busilak na busilak si De Lima.

Si De Lima ay nahaharap sa sari-saring kaso na may kaugnayan sa illegal drugs. Ayon sa mga naglabasan reports sa media, noong panahon daw ni De Lima lumala ang bentahan ng shabu sa New Bilibid Prison. Nakinabang diumano si De Lima sa mga transaksyon sa Bilibid at ginamit ang pera para sa kanyang kadidatura sa pagka-senador. Siya rin ang itinuturo ng mga drug lords at ng ibang matataas na opisyal ng kapulisan.

Hindi tuloy maalis sa isip ng mga Pilipino ang sabwatan ng local at foreign media para pasamain ng husto si Pangulong Duterte at pagandahin naman ang imahe ni De Lima. Biruin niyo ang tinaguriang “Mother of all drug lords”, nagkaroon pa ng award!?


Anong masasabi niyo sa awards ni De Lima? Isang malaking kalokohan lang ba ang award giving body na nagbigay parangal kay De Lima?