Huli sa isang drug buy bust operation ang cameraman ng ABS-CBN na kinilalang si Anthony Martin, habang nagbebenta ng droga sa isang restaurant sa Mother Ignacia street sa Quezon City. Nasabat kay Martin ang 3500 pesos halaga ng shabu na dapat ay ibebenta niya sa kanyang mga parokyano.




Todo depensa naman ang ABS-CBN sa imahe ng kanilang kompanya. Ayon sa pamunuaan ng media organization. Hindi raw nila pinahihintulutang gumamit o magbenta ng droga ang kanilang mga emplyado.

“ABS-CBN has a drug-free workplace policy and does not tolerate the use and distribution of illegal drugs by any of its employees. We will ensure that any of oue employees proven to be engaging in illegal drugs will be subject to company policy. We are cooperating with the authorities on this matter.” sabi ni Kane Errol Choa, Head ng ABC-CBN Corporate Communications.

Naalala niyo ba yung sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may ilang miyembro ng media na sangkot din sa droga? Ito pa ang isa sa katunayan ng sinabi ni Aguirre.

Pabor ba kayo nai-mandatory drug testing lahat ng kawani ng media sa Pilipinas?