Sa talumpati ni Presidente Rodrigo Duterte sa Malacanang, pinuna ng Pangulo ang batas na isinulong ni Senador Kiko Pangilinan. Ayon sa Presidente, dumami ang kriminal dahil sa batas ni Pangilinan. Sa Juvenile Justice Welfare Act, hindi puwedeng makulong ang mga batang kriminal na may edad 15 pababa.




“I have the highest of respect for Pangilinan. But iyong law, liability, labas-pasok ang mga bata? You can ask any policeman or anyone connected to the law enforcement. It produced a generation of criminals,” sabi ng Presidente.
Sabi pa ng Presidente, maganda daw ang intensyon ng batas pero inuulit lang daw ng mga batang kriminal ang mga kasalanan nila dahil walang paraan para managot ang mga ito.
“Pag sabi na below 15, sasabihin na 15… the police must release him immediately or face charges, whatever the crime that child committed. Maybe he would rob and kill. Maybe he would rob and kill and rape. Maski ano, kapag sinabi na 15, release,” dagdag pa ng Presidente.

Sang-ayon ba kayo sa sinabi ni Presidente Duterte?