Tinawag ni Manila Auxillary Bishop Roderick Pavilo si Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na isang ipokrito. Ipokrito raw kasi ang hepe ng PNP dahil sa paghingi ng tawad sa mga napatay na kriminal.  Ayon pa sa Obispo, wala raw kahulugan ang paghingi ng tawad ni Dela Rosa kung hindi babaguhin ng kapulisan ang mahigpit na paglaban sa kriminalidad.




Ibang klase talaga ang mga pari sa ating bansa. Sa tingin ko, isa sila sa dahilan kung bakit walang takot ang mga salot sa lipunan sa ating batas. Imbis na disiplinahin ang mga kriminal tila gusto pa ata nilang kunsintihin ang mga ito.

Anong reaksyon niyo sa sinabi ng obispo kay General Bato? Sang-ayon ba kayo na ipokrito si General Bato?