Nagbigay na rin si Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ng babala sa mga gustong umagaw sa pagka-Pangulo ni Presidente Rodrigo Duterte. Ayon kay General Bato, dadaan muna sa bangkay niya ang mga may masamang balak sa Pangulo. Mahihirapan din daw ang mga ito na maisakatuparan ang mga pinaplano nila.




Nagkaroon ng ugong-ugong na may binabalak ang mga Anti-Duterte groups na kudeta nang hindi na pinayagang ng Palasyo si VP Leni Robredo na dumalo sa mga cabinet meetings. Ayon sa ilang mga prominenteng Pro-Duterte commentators sa social media, may ni-leak daw si Robredo na mga sensitibong impormasyon sa cabinet meetings. Lalo pang lumakas ang kutob ng mga taga-suporta ng Pangulo nang mag-demand si Loida Nicolas-Lewis kay Pangulong Duterte na bitawan na ang pagka-Presidente at ibigay na ito kay Robredo.

Kayo? Handa niyo rin bang ipagtanggol si Presidente Duterte at ang demokrasya?