“Considering the situation, I think she is FIRED”

Ito ang naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez tungkol sa pagre-resign ni VP Leni Robredo sa gabinete ni Pangulong Duterte. Marahil ay tugon din ito sa ikinakalat ng ilang media groups na nagbitiw lang si Robredo sa kanyang posisyon sa House and Urban Development Coordinating Council.


Sa text message ni Cabinet Secretary Jun Evasco, inabisuhan ng kalihim si Robredo na huwag ng dumalo sa mga cabinet meeting simula Dec 5 at ito raw ay utos galing mismo sa Presidente.
Maraming kababayan naman natin ang nagbunyi nang malaman ang balitang ito. Pinuna ng karamihan si Robredo dahil sa parating pagpapa-photoshoot nito, habang ang trabaho raw ay naka-tengga.




Hindi rin nakatulong sa imahe ni Leni ang mabilis na aksyon ni Presidential Assistant for Visayas na si Mike Dino sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Sa loob kasi ng halos 18 na araw, nagawa ni Dino na mapalipat ang mga nasalanta ng Yolanda sa bago nilang bahay.
Masaya ka rin ba na tinanggal na si Leni sa gabinete ng ating Pangulo?

source