” P— ina ka, at ako ang nagbabayad sa sweldo mo. Huwag kang magsalita diyan akala mo ako ang empleyado mo “

Ito ang naging tugon ni Presidente Duterte laban kay Zeid Ra’ad Al Hussein. Si Al Hussein ang United Nation High Commissioner na tumawag na “murderer” kay Presidente Duterte. Sa isang pahayag, inudyukan ni Al Hussein ang mga otoridad sa Pilipinas na imbestigahan si Pangulong Duterte dahil daw sa pag-amin ng Pangulo na nakapatay ito ng kriminal sa isang police operation.




Binanatan din ni Presidente ang paraan ng diplomasya ng United Nation. Ayon sa Pangulo ang mga Pilipino lang ang puwedeng pumuna sa pamamalakad niya.

“Go back to school. You United Nations, you do not know diplomacy. You do not know how to behave to be an employee of the United Nations. You do not talk to me like that, you son of a bitch. Ang maka-son of a bitch lang sa akin Pilipino, kung hindi ako nagtatrabaho,” sabi ni Presidente Duterte

Deserved ba nung UN High Commissioner na makatanggap ng mura galing sa ating Presidente?