Hinirang bilang “MOST GOOGLED PERSON” sa Pilipinas si Pangulong Duterte ng Time Magazine, dahil ito sa kontrobersyal na kampanya kontra-droga  ng kanyang Administrasyon. Ayon sa ulat ng News5, pinagbatayan daw ang datus mula sa Google. Hangarin daw nito na maipakita kung sino ang mga nagte-trending na personilada sa isang partikular na lugar.




Naging kontrobersyal din si Pangulong Duterte dahil sa maaanghang na salita nito laban sa Amerika. Halos laman ng balita kada araw si Presidente Duterte dahil sa makukulay nitong mga pahayag.
Si United States President Donald Trump naman ang pinaka-trending sa buong mundo. Ayon ito sa 80 na bansa.

Proud ka ba sa ating Pangulo?