Tuloy pa rin ang labanan sa social media ng mga tag-suporta ni pangulong Duterte at ng mga Anti-Duterte groups.  Sa isang post ng kilalang Pro-Duterte blogger na si Sass Rogando Sasot, ipinagtanggol ng blogger ang kapwa Duterte supporter na si Mocha Uson.




May isang post kasi ang mga Anti-Duterte tungkol kay Miss Mocha Uson. Ayon sa mga kritiko ng Administrayon, mapagkunwari lang raw si Uson na maka-masa dahil hindi naman talaga mahirap ang singer/writer. Sa katunayan, nakakakain daw si Uson sa isang fine dining na restaurant at mayroon raw Macbook. Ang babaw rin mag-isip ng mga Anti-Duterte noh!?


Hindi tuloy napigilan ni Sasot na ilantad ang mga litrato ni VP Leni Robredo na nagpapakita ng marangyang pamumuhay. Sa mga larawang ipinost ni Sasot sa kanyang Facebook account , makikita ang kontradiksyon sa pananalita at mga gawa ni Robredo. Naging bukang bibig kasi ng kampo ni VP Leni noong eleksyon ang “laylayan ng lipunan”, tila gusto nilang ipakita na simple at hindi magarbo ang pamumuhay ni Robredo.  Naalala niyo ba ‘yung may picture pa si Robredo na naghihintay ng bus?
Ito naman raw po ang mga larawan na katunayan na hindi naman talaga simple ang pamumuhay ng ating bise-presidente.






Anong masasabi niyo sa pagbubunyag ni Sasot? Naniniwala pa rin ba kayo napara laylayan ng lipunan si VP Leni?