Pumalag si Senador Ping Lacson sa mga binitiwang pahayag ni UN High Commissioner Zeid Ra’ad Al Hussein laban kay Presidente Duterte. Sa isang pahayag ng UN High Commissioner, binansagan nito si Pangulong Duterte na isa raw  “murderer” at kailangan imbestigahan ng otoridad sa Pilipinas. Ayon kay Lacson, may immunity ang Pangulo at kailangan ng matibay na ebidensya para umusad ang kaso.




“First, our President Enjoys immunity from suit during his term. Second, no matter how many times a person in our country admits having committed a murder, as long as there is no other evidence to corroborate his extra-judicial confession, the case cannot stand in any court of the law.” sabi ni Senador Lacson.
Bumuwelta rin si Representative Harry Roque. Ayon sa mambabatas, paano magtitiwala ang mga Pilipino sa UN kung una pa lang ay nakitaan na ito ng pagka-bias.
“The judgement the Philippine government receives from the International Commmunity has not been fair or productive. Does the UN still expect to be welcomed to investigate the facts on the ground when the High Commissioner has made statement that appear to prejudge the scenario?” sabi ni Roque.

Sang-ayon ba kayo sa mga naging banat ni Lacson at Roque laban sa UN?