Sa gitna ng talumpati ni President Duterte sa Pampanga, hindi naiwasan ng Pangulo na birahin ang AMLC, ABS-CBN at Inquirer, nang mapag-usapan ang tungkol sa 211 million BPI account na diumano ay pagmamay-ari niya.



(I-skip sa 25:31 mark para mapanood agad ang sinabi ni Pres. Duterte laban sa ABS-CBN at Inquirer)



“Galit ako sa Central Bank. Alam mo itong AMLC, they have the blanket authority na silipin nila. Sinabi nila marami akong pera, 211 million. Oh bakit hindi niyo ako dinemanda? Di ba bilyon-bilyon, sabi ng Inquirer… lahat ng garbage [media]… kasali na diyan ABS-CBN.” sabi ni Pres. Duterte.

Matatandaang noong panahon ng eleksyon, kung saan tumataas na ang numero ni President Duterte sa survey ay biglang naglabas ng “expose” si Antonio Trillanes. Inakusahan ni Trillanes na may ill-gotten wealth na 211 milyong piso si Pres. Duterte sa BPI. Ang isyu na ito ay pinag-piyestahan ng mga mainstream media tulad ng ABS-CBN at Inquirer. Kinalaunan, hindi rin napatunayan ni Trillanes ang mga akusasyon niya laban sa Pangulo.

Ang dalawang istasyon na ito ay pinag-iinitan ng mga taga-suporta ni P. Duterte. Ayon sa mga supporters ni Pangulong Duterte ay bias ang mga ito at hindi patas mag balita.

Naniniwala ba kayo na basura ang ABS-CBN at Inquirer?