Sa isang yugto sa senate hearing, ipinakita ni Senator Antonio Trillanes ang isang larawan kung saan magkasama sina Presidente Duterte at ang drug lord na si Peter Lim. Ginawa ito ni Trillanes para ipagtanggol si Senadora De Lima at i-underestimate ang larawan ng senadora na kasama ang Western Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa. Ngunit, hindi ito pinalagpas ni Senator Panfilo Lacson at giniba ang mga pahayag ni Trillanes.




“Totoo yun eh noh! May picture si Presidente Duterte kasama si Peter Lim. Si Senator De Lima may picture kay Kerwin sa Baguio. Ang kagandahan lang may statement si Kerwin under oath. May statement si Ronnie Dayan. Nag tugma na may perang binibigay at napunta kung kanino. Ngayon kung si Peter Lim ay magbibigay ng affidavit na nagbigay siya ng pera kay Secretary Bong Go at may statement din si Sec. Bong Go, na ito ay binibigay niya kay Presidente Duterte, I think an impeachment proceeding is in order. Pero wala tayo doon hindi ba?”  buwelta ni Lacson.

Iginiit din ni Senador Lacson na hindi siya kunsintidor ng kasalukuyang administrasyin at nagbibitaw siya ng kritisismo kung kinakailangan.
” I’m speaking not as an enabler or apologist of Presidente Duterte. In fact, I criticize when there is need to criticize. I’m only trying to point out na yung picture per se ay pwede nating i-interpret kung ano ang nakita natin sa picture, pero there are some circumstances na hind nakikita sa picture” dagdag pa ni Lacson.

Sino ang mas paniniwalaan niyo? Si Lacson? o si Trillanes?