Header Ads

BREAKING NEWS! Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sumuko sa AFP



MANILA, Philippines — Kusang sumuko si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Martes ng hapon.
Kasamang sumuko ni Marcelino ang kaniyang abogado at kapatid, ayon kay AFP public affairs chief Colonel Edgar Arevalo.
Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta na sinabihan siya ni Marcelino tungkol sa pagsuko. Aniya gusto ng Marine officer na sumuko sa AFP.
“He's (Marcelino) been saying that he was set up by some officers in AIDG (Anti-Illegal Drugs Group) and PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency),”pahayag ni Acosta.
Iginiit ng hepe ng PAO na mahina ang ebidensya laban sa kaniyang kliyente.
Sumuko si Marcelino kasunod ng inilabas na hold departure order ng Manila Regional Trial Court matapos itong hingin ng Department of Justice.
Kinasuhan Enero ng nakaraang taon si Marcelino at ang Chinese national na si Yan Yi Sho ng paglabag sa tions 11 at 26 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasakot sina Marcelino at Yan sa isang pinaghihinalaang drug laboratory sa Maynila kung saan nasabat ang P256 milyong halaga ng shabu.
[source]

No comments

Powered by Blogger.