Inaasahang makakatulong ng husto sa mga buiyahero ang Manila-Malolos railway project pag nakumpleto na ito. Ayon sa tagapagsalita ng Department of Transportation na si Cherry Mercado, uumpisahan na ang kontruksyon ng nasabing railway system sa 4th quarter ngayong taon.




Ang proyektong ito ay nakapaloob sa 8 trillion pisong plano ng Duterte Administration. Pinaniniwalaan ng gobyerno na makakatulong ito para masolusyunan ang matinding trapiko sa kamaynilaan. Ang Japan International Cooperation Agency ang naatasan para magsagawa ng feasibility study sa naturang proyekto.

Excited ka na bang magkaroon ng panibagong railway system sa bansa?