Kamakailan lang ay natalakay sa cabinet meeting ang muling pagbuhay sa Space Program ng Pilipinas. Balak diumano ni Pangulong Duterte na magkaroon ng Space Agency ang bansa. Ayon Kay Department of Agriculture Secretary Manny Pinol, napag-usapan daw ang planong ito noong January 9 Cabinet Meeting sa Malacanang.




Nagbigay na rin ng pahapyaw ang Department of Science and Technology patungkol sa usapin na ito. Sa kanilang Facebook page, nag-post silang ng isang makabuluhang tanong.


Kung Matutuloy ang planong ito, tiyak na makakatulong ito sa pagpapalawig ng  siyensa at teknolohiya ng bansa. Payag ba kayo na magkaroon tayo ng sariling space program?