Naalala niyo ba yung nag-viral na litrato ni Leni Robredo, na naghihintay siya ng bus sa isang kalsada? Sa pamamagitan ng larawan na iyon ay nakilala si Leni bilang mapagkumbabang tao at simpleng maybahay ni Jesse Robredo. Ngunit,napansin ng isang abogado ang litrato at kinuwestiyon kung lehitimo ba talaga iyon o isang lamang itong publicity stunt para makakuha ng atensyon.




Sa Facebook post ni Atty. Bruce Rivera, ibinunyag niya na ang naturang litrato ni VP Robredo ay kinunan sa Expressway. Ang problema, walang nagsasakay at nagbababa ng pasahero sa highway na iyon. Hindi tuloy napigilan ng isang kaibigan ni Rivera na subukan sumakay ng bus sa mismong lugar na tinayuan ni Robredo. Hindi nga nagkamali si Atty. Rivera dahil wala ngang bus na huminto para sa kanyang kaibigan.


Ang post ni Atty Rivera ay nakakalap na ng mahigit pitong libong reaksyon sa mga netizens at nai-share na rin ng mahigit isang libong beses. Katakut-takot na kutya naman ang inabot ni Robredo sa mga kababayan natin sa social media.
Sino na ngayon ang pinaniniwalaan niyo? Si Leni o si Atty Rivera?