Bumisita ang dalawang naval ships ng Russia para sa isang “Goodwill Visit”. Inaasahang makakatulong ito para mapagtibay ang relasyon pang-militar ng Pilipinas at Russia. Layon din ng Russia na makatulong sa Pilipinas pagdating sa pagbabantay sa karagatan at paglaban sa terorismo.




Umaasa naman ang hukbong pandagat ng Pilipinas at ng hukbong pandagat ng Russia na makapagsagawa ng joint naval exercise dahil hindi pa nagagawa ng dalawang bansa ito. Ayon sa CNN Philippines, bahagi rin raw ng sinasabing goodwill visit ay ang pagpapalitan ng ideya ng dalawaang kampo pagdating sa pagbabantay sa karagatan.

Anong reaksyon niyo sa balitang ito? Welcome ba sa inyo ang bansang Russia?