Tumuloy raw si VP Leni Robredo sa tahanan ni Loida Nicolas-Lewis nang nag-punta ito ng Estados Unidos noong nakaraang buwan. Ito ang naging rebelasyon ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa media. Ito rin raw ang maaring rason  sa pagkakadawit ni VP Robredo sa mga nabunyag na #LeniLeaks scandal. Ayon kay Aguirre, posibleng alam talaga ni leni ang mga email conversations sa #LeniLeaks.




Mariin naman pinabulaanan ni Robredo ang mga naging pahayag ni Secretary Aguirre. Iginiit rin ni Robredo na wala siyang kinalaman sa #LeniLeaks.
Ang #LeniLeaks scandal ay sumambulat sa social media ng isiwalat ito ng dalawang kilalang pro-Duterte bloggers na sina ThinkingPinoy at Sass Rogando Sasot. Laman ng #LeniLeaks ang mga usapan ng mga ma-impluwensyang supporters ni Robredo tungkolsa pagpapabagsak sa Duterte Government.
Naniniwala ba kayo na nag-meet si Leni at Loida noong nakaraang buwan?