Magbibigay ng tulong pinansyal na 1 Trillion Yen o 9 Billion dollar ang bansang Hapon sa Pilipinas sa loob ng limang taon. Sakop ng aid ang mga financial projects, electric generation at investment sa mga private sector. Ayon sa tagapagsalita ng Japan, ito na raw ang pinakamalaking tulong pinansyal na naibigay ng Japan sa isang bansa.




Tutulong rin raw ang Japan sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa. Ikinatuwa rin raw ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang naging diplomatikong aksyon ni Pangulong Duterte sa isyu sa West Philippine Sea.

Ano ang masasabi niyo sa tulong pinansyal ng Japan sa Pilipinas? Ibig bang sabihin nito ay tiwala sila na mapupunta sa magandang proyekto ang mga pera ipapahiram nila sa Duterte Administration?