Kahindik-hindik ang sinapit ng isang babae sa Sta. Maria, Bulacan. Iniwan ito sa tabi ng kalsada at pugot na ang ulo. Hindi pa rin natatagpuan ang ulo ng babae. Base sa ulat ng GMA News, maaring ginahasa rin raw ang biktima. Alas-11 ng gabi nang makita ang biktima. May mga pasa ito sa iba’t-ibang parte ng katwan.




May malapit na slaughter house sa pinangyarihan ng krimen at malinis ang pagkakaputol sa ulo ng biktima. Kaya hindi inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na doon ginawa ang krimen.
“Mga kalahating kilometro lang ho siguro ang layo mula rito,. Pero hindi natin maaalis ang posibildad, pero baka naman hindi” sabi ng Deputy Officer ng Brgy. Casyio na si  Agustin Lapig.
Tanong naman ng mga kababayan natin, nasaan na daw ang Commission on Human Rights sa krimen na ito? Bakit pag mga drug user ang napapatay, doon sila umeentra?

Tama ba ang daing ng mga netizens sa CHR?