Header Ads

GOOD NEWS! Contractual workers sa gobyeno makakatanggap ng bonus


President Rodrigo Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order No. 2 na nagbibigay ng gratuity pay o katumbas ng bonus para sa mga job order at contractual na manggagawa sa gobyerno.
Disyembre pa ng ipinangako ng Pangulo na makakatanggap din ng P2,000 bonus ang mga contractual at job order na manggagawa na nagtratrabaho para sa gobyerno sa loob ng mahigit sa apat na buwan hanggang noong Disyembre 15, 2016.
Ang mga manggagawa naman na hindi pa nakakabuo ng apat na buwan na serbisyo sa gobyerno ay makakatanggap ng P1,000 na gratuity pay.
Saklaw ng Administrative Order No. 2 ang mga manggagawa mula sa mga national government agencies, state universities, government owned and controlled corporations, at mga government financial institutions

[source]

No comments

Powered by Blogger.