Header Ads

HINDI SI CORY ANG INA NG DEMOKRASYA!: UST Alumnus



A Facebook post from a certain Nemesio Antonio Jr saying "HINDI SI CORY ANG INA NG DEMOKRASYA" was making rounds on social media.


Feb. 13, 2017
HINDI SI CORY ANG INA NG DEMOKRASYA!

Ilang beses ko na itong ginawa noon pero uulitin ko na naman ngayon, ang Ipakita ang KATOTOHANAN sa naunang KASINUNGALINGAN na ina kuno si Cory Aquino ng demokrasya.

Kapag sinabi mong ina, ibig sabihin ay mayroong ipinanganak, may bagong lumabas. DEMOKRASYA NA ANG ATING BANSA mula pa noong makamit natin ang kalayaan mula sa mga Amerikano ilang buwan matapos ang World War 2. Kung tama ang pagkakatanda ko ay Hulyo 4, 1946, naganap ito, 40 TAON BAGO NAGING PRESIDENTE SI CORY NOONG 1986. Kaya’t paano magiging ina si Cory ng demokrasya? Nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial law noong 1972, DEMOKRASYA PA RIN ANG PILIPINAS. HINDI TAYO NAGING KOMUNISTA O SOSYALISTANG BANSA. HINDI TAYO INALIS SA PAGIGING DEMOKRASYA NI Marcos. Kaya paano naging ina ng demokrasya si Cory?

Kung ang ikakatwiran naman ng mga pro-Aquino ay ang naging paglaban ni Cory kay Marcos – mula noong mapatay ang asawa niyang si Ninoy hanggang sa noong presidential snap elections-- HINDI SI CORY ANG UNANG LUNABAN sa dating pangulo. Dekada ’70 pa lamang ay LUMALABAN NA kay Marcos ang mga kasamahang pulitiko noon ni Ninoy tulad nina dating Senador Francisco ‘Soc’ Rodrigo, at Jose ‘Pepe’ Diokno. Gayundin ang grupo ng peryodistang si Joe Burgos at ang kaniyang mga dyaryong We Forum at Malaya. Naging aktibo lamang si Cory sa paglaban kay Marcos nang mapatay si Ninoy noong Agosto 21, 1983, o MAHIGIT 10 TAON NA MATAPOS IDEKLARA ni Marcos ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. NAKISALI LAMANG, NAGING INA NA NG DEMOKRASYA? ANONG KASINUNGALINGAN IYAN?

At higit sa lahat, HINDI SI CORY ANG DAHILAN nang bumuhos ang tao sa EDSA noong 1986 para sa People Power 1. Dumagsa ang tao bilang pagsuporta kina noo’y Defense Minister Juan Ponce Enrile, Armed Forces Vice Chief of Staff Fidel Ramos at ang grupo ng mga sundalong kasapi ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) sa pamumuno ni noo’y Lt. Col. Gregorio ‘Gringo’ Honasan.

KUNG HINDI GINAWA NINA ENRILE ANG ARMADONG PAGKALAS kay Marcos, HINDI MAGSISIMULA ang People Power 1. At tulad ng ALAM NA NATING LAHAT, si Jaime Cardinal Sin ang UNANG NANAWAGAN sa taumbayan na dumagsa sa EDSA para suportahan sina Enrile. HINDI SI CORY! WALANG GINAWA si Cory noong People Power 1 kundi MAGTAGO AT MANOOD O MAKINIG sa mga nangyayari. Tulad ng alam nating lahat, NAKATAGO sa isang kumbento si Cory (kung tama ang pagkakatanda ko ay parteng Cebu) noong kainitan ng People Power1.

Kaya’t NAKAKAKILABOT NA KASINUNGALINGAN AT KAPAL NG MUKHA at PANLOLOKO SA MGA KABATAANG HINDI INABOT ang People Power 1 ang ipagpilitang si Cory ang Ina ng Demokrasya. Kampon ng Kadiliman ang sinumang magpupumilit nito."








Nemesio Antonio Jr.
about 7 months ago
July 31, 2016
DELIKADO PAG DI INILABAS SECRET SMARTMATIC SERVERS
Nagwarning kanina ang isang personal kong kaibigan na computer expert habang nagkukuwentuhan kami: Kapag HINDI INILABAS, O PILIT PINALABAS ng mga kinauukulan, sa Smartmatic ang mga secret servers ng kumpanya noong eleksyon na INAMIN na ng komnpanya,. DELIKADO. Dahil nasa Smartmatic ang lahat ng pagkakataon para WASAKIN, SUNUGIN O BAKLASIN (disassemble) ang mga secret server upang MAGLAHO NANG PARANG BULA ang m...ga nilalaman nito. At idekllara na lamang isang araw na NANAKAW na ang mga ito.
Kung iisipin natin, mga kababayan, HINDI talaga malayong mangyari ito, kundi man NANGYARI NA! Ilang araw na ang nakaraan mulka nang AMININ ni Marlon Garcia ng Smartmatic ang mjga secret server,at ang paglilihm sa mga ito KAHIT SA COMELEC MISMO! Pero hanggang ngayon, WALANG NABABALITANG UTOS O AKSYON ang Comelec para ilabas ng Smartmatic ang mga secret server at magpaliwanag. Gaya halimbawa ng bakit inilihim ito kahit sa kanila, para saanginamit angmga ito at ano ang nilalaman. Itama ako ninuman kung mali ako. Wala pa ring anumang pinapaklitang ebidensiya ang Smartmatic na ang mga secret server ay hindi ginamit sa kawalanghiyaan.
Sa madaling salita, WALA TAYONG GARANTIYA na ang mga secret server ay buo pa at maaari pang eksaminin. Kaya’t huwag nating kalimutan, mga kababayan, Smartmatic LAMANG ANG NAKAKAALAM ng nilalaman ng mga secret server. At tulad ng nasabi ko na sa mga nakaraan kong sinulat, kung hindi ginamit sa dayaan ay HINDI DAPAT INILIHIM ang mga ito kahit sa Comelec. Patuloy tayong magmanman, mga kababayan. At sama sama nating tanungin ang Comelec kung bakit patuloiy silang WALANG AKSYON laban sa Smartmatic. 30
See More


[source]

No comments

Powered by Blogger.