Header Ads

Pag-aresto kay De Lima, ‘di haharangin ng Senado' - Koko Pimentel



Giit ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III kung sakaling lumabas na ang warrant of arrest sa kaso nitong may kaugnayan sa iligal na droga si Delima ay hindi niya ito haharangin at kung ikulong sa ordinaryong jail.
Sinabi ni Pimentel na hindi exempted ang mga senador sa criminal liability lalo na kung ang parusa ay pagkakabilanggo ng anim na taon pataas.
Ipinaliwanag pa ng Senate president na ang drug cases ay hindi konektado sa mandato ng isang senador, kaya’t hindi maaring isampa sa Sandiganbayan ang kaso kapag nagkaroon na ng resolusyon ang prosecutor.
Aniya, kapag isinampa na ang kasong kriminal sa senadora at kung magpalabas ng warrant of arrest ang korte ay hindi ito maaaring harangin ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Iginiit ni Pimentel na ang hindi lang maaring arestuhing mambabatas kapag nasa panahon ng sesyon ay ang may kaso na may parusang anim na taon pababa lamang.
Una rito, nagpatawag kanina ng press conference si De Lima, kung saan sinabi nito na napag-alaman niyang anumang oras ay magpapalabas na ng resolusyon ang DoJ sa mga kasong isinampa laban sa kaniya at posibleng mag-isyu ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.

No comments

Powered by Blogger.