Header Ads

Sen. Kiko to Bato: "Kapag mahirap na 'nanlaban' na adik, pinapatay. Kapag abusadong kriminal na pulis, pinag pupush up. Anong klaseng kabaliwan ito?"



Sa nakaraang araw ay pumuna si Sen. Escudero sa pagdisiplina ni PNP Chief dela Rosa sa 7 Pulis na umanoy sangkot sa pagdukot sa tatlong Koreano sa Angeles City noong nakaraang Disyembre.
Sabi aniya ni Sen. Escudero ay publicity lamang daw iyun. At ngayon, si Sen. Pangilinan na naman at bumatikos sa PNP Chief.
Ayon kay Pangilinan, kapag mahirap na adik na nanlaban pinapatay, kapag abusadong pulis, pinagpupush- up.
Push-ups ang ipinakitang kaparusahan sa pitong akusadong pulis sa kasong robbery at extortion ng mga Koreano sa Angeles. Robbery at extortion ang kaso. Sa harap ng media, hindi sila kinulong, hindi sila dinis-armahan, hindi sila pinosasan.
Sa harap ng media hinayaan pang isuot ang mga uniporme upang lalo pang dungisan ang imahen ng PNP. Kapag mahirap na 'nanlaban' na addict, pinapatay. Kapag abusadong kriminal na pulis, pinag pu-push up. sabi ng senador.






[source]

No comments

Powered by Blogger.