Header Ads

UPDATE: Nahiain na sa kamara na ibalik ang dating pangalan ng NAIA sa MIAA!




Mahirap talaga ‘kapag nababago ang simoy ng hangin sa ating bayan.
Akala ng ilan maaari na rin magkatotoo ang kanilang mga panaginip.
Tulad na lang ng isang abogadong nakita ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa isang media forum.
Kumpleto itong si Attorney sa gimmick. Siya daw ay maghahain ng petisyon para ibalik sa dating pangalan na Manila International Airport ang Ninoy Aquino International Airport.
Close Ad X
Aba, may mga alipores pa siya na nag-iikot sa hotel at nagpapirma sa ating mg kapatid na peryodista para suportahan ang kaniyang kara y kruz este mali krusada pala.
Me simboliko pa siyang tarpaulin na pipirmahan para ipakitang suportado siya ng sektor ng media.
Kasi daw mahigit apat na milyon ang kaniyang “reach” sa social media. Kaya lang 20,000 pa lang daw ang pumipirma sa kaniyang petisyon.
Ayos na sana. Binatikos niya si Ninoy Aquino. Ipinaliwanag niya kung bakit hindi daw dapat maging bayani. Sa madaling salita, nagoyo lang daw tayo dahil hindi malinaw ang kasaysayan.
Ang problema nun, pati yung kaguluhan sa NAIA ngayon , mula sa sira-sirang kubeta at korupsyon sa airport hanggang sa laglag-bala ay isinisisi na niya kay Ninoy.
Kawawang Ninoy. Naipangalan lang sa kaniya noong dekada otsenta ang pinakamalaking airport sa Philippines my Philippines, siya na ang sinisisi kung bakit napakabulok ngayon ng airport natin.
Pero tingnan din natin ang motibo ni Attorney sa kaniyang sinimulang krusada.
Maganda nga namang banatan si Ninoy dahil ito ang naging simbolo ng EDSA kung saan napatalsik si Apo Macoy ng ngayo’y mga tinatawag na “dilawan.”
‘Hindi daw kasi ito “People Power” kundi kudeta. Pero sorry na lang ang naging pangulo ay si Tita Cory, ang maybahay ni Ninoy at milyun-milyong madlang Pinoy ang sumuporta sa panumbalik sa demokrasya natin..
Kahit si Attorney umaamin na si Benigno “Noynoy” Aquino ay nanalo bilang pangulo, dahil na rin sa popularidad ng kaniyang mga magulang.
Sabi naman ng isang kuwago nating maligalig,”Bosing atat na atat pumapel yan dahil nangangarap maging senador.”
Dahil nga naman daw tumakbo siya bilang senador noon sa partido ng KBL (ng mga Marcos) at nakakuha pa siya ng 3 milyong boto. Hindi naman daw siya gumastos at biglaan lang ang pagpasok niya sa pulitika.
Ito ay dahil marami siyang kaibigan sa media, na tumulong sa kaniya ng libre.
Kaya ang suspetsa ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, talagang naghahanda na ito sa susunod na hangalan este mali halalan pala.
Maganda ngang banatan si Ninoy dahil puspusan ang ilang mga nawala sa poder at ngayo’y naglalaway-laway na naman sa kapangyarihan para sirain ang sinasabing legacy ng mga Aquino.
Maari din naman niyang haranahin si Madam Imelda Marcos, baka sakaling maambunan siya ng grasya ng mga Ilokano sa susunod na halalan.
Kaya lang, di ba sa halip na tirahin nang tirahin si Ninoy, bakit di niya tingnan kung paano masosolusyunan ang problema sa airport, o ng lipunan na sinasabi niya na dahil kay Ninoy .
Ngayon na lang, kailangang-kailangan ng bagong liderato ng NAIA ang suporta ng madlang Pinoy para maayos na ang “premier airport” ng Philippines my Philippines at para mawala na ito sa bansag na ‘NAIA worst airport in the world!’
Hindi daw bayani si Ninoy, pero hindi ba niya nakita na kaya nga natanggal si Apo Macoy ay dahil may malaking sector ng lipunan na minsan ay sumampalataya sa mga Aquino?
Sabihin na nating medyo kontrabida na ang mga “dilawan” sa harap ng bagong rehimen. Hindi natin maalis na minsan sa ating kasaysayan, naging bayani si Ninoy sa panahon ng martial law. Siya tuloy ang naging simbolo ng pakikiba para maibalik ang demokrasya sa Philippines my Philippines.
Nakakaawa si Attorney sa kaniyang payak na krusada. Baka magaya pa siya sa mga nangangarap maging pulitiko na mali na sa timing, ang tingin pa ng marami ay may amat.
‘Batu-bato sa langit, tamaan ‘wag magalit!’

[source]

No comments

Powered by Blogger.