Header Ads

BISTADO: Mark Taguba, nagbayad ng P5-M at ‘tara’ para makasali sa ‘Davao group?’


Inilahad ng fixer na si Mark Taguba ang ilang ebidensya na nagpapakita ng pakikipag-ugnayan niya sa umano’y “Davao group” na may malaking impluwensya sa mga ipinupuslit na shipment sa Bureau of Customs (BoC).
text messages

Ayon kay Taguba, nagbayad siya ng P5 million “enrollment fee” para lamang makadikit sa nasabing grupo.

Sa salaysay nito sa hearing ng Senate blue ribbon committee, tinuran niyang may kapangyarihan ang mga nasa likod ng grupo na ilusot ang mga container at hindi iyon naaalerto o nahaharang.

Maliban aniya sa P5 million na bayad sa pagsali, nagbibigay pa siya ng P10 para sa “tara” sa kada container na ilalabas.

Tinukoy din ni Taguba na ang tumanggap ng kaniyang P5 million “enrollment fee” ay si Davao Councilor Nilo “Small” Abellera Jr.

Inamin ng fixer na ilang ulit na nabanggit sa mga transaksyon ang pangalang “Paolo” at “Pulong,” na sa paniniwala nila ay walang iba kundi ang presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Sa mensaheng nasa cellular phone ni Mark, nakasaad ang palitan nila ng mensahe ng isang “Tita Nani” na tulay umano nila sa ilang transaksyon sa BoC shipments.

“Good am, Mark. Will make final arrangement with Jack. He is the handler of Paolo. Now we have to advance the enroll. He can fly down to Davao to arrange a meeting with Pulong ASAP. During the meeting, you personally turn over the P5 million same manner you likewise turn over the LMLN to Jack when we meet,” bahagi ng text message na natanggap ni Taguba.

Ang pagsali ni Taguba sa “Davao group” ay para umano mailusot ang mga kargamento, katulad na lamang ng iniimbestigahang P6.4 billion shabu shipment.

Samantala, ibinahagi naman ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ilang larawan na nagpapakitang magkasama sina Abellera at Vice Mayor Duterte.

No comments

Powered by Blogger.