Header Ads

LOOK: 2 Miyembro ng Maute na Papuntang Battle Area, Napatay ng mga Militar


Patay ang dalawang miyembro ng teroristang Daesh-inspired Maute group matapos makasagupa ang tropa ng militar sa Lake Lanao.

Ayon kay Captain Joan Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, nagpapatrulya ang mga sundalo sa pangunguna ni Lt, Junior Grade Henry Sincere sa Lake Lanao nang mamataan ang dalawa na sakay ng bangka patungo sa main battale area sa Marawi City.

Habang papalapit ang mga sundalo sa bangka agad na silang pinaputukan ng mga suspek dahilan para gumanti ang kanilang hanay.

Ayon kay Petinglay, nahulog sa tubig ang isang suspek matapos matamaan ng caliber .50 machine gun.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang rounds ng RPG, 55 mga bala ng 7.62 mm, rifle grenade at iba pa.

No comments

Powered by Blogger.