Header Ads

LOOK: 9 NA IDINADAWIT SA SMUGGLING NG SHABU SHIPMENT MULA CHINA SINAMPAHAN NA NG REKLAMO


Pormal nang sinampahan ng National Bureau of Investigation-Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) sa Department of Justice (DoJ) ng kasong kriminal ang dalawang traders at pitong iba pang personalidad na umano’y sangkot sa P6.4 billion na halaga ng iligal droga mula China na nasabat ng Bureau of Customs (BoC).

Kabilang sa mga nasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa importation ng dangerous drugs sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay sina:

1. Chen Min

2. Jhu Ming Yun
(Ang dalawa ang umupa ng warehouse sa Valenzuela kung saan narekober ang mahigit 600 kilo ng shabu at una nang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

3. Fidel Anoche Dee, caretaker ng warehouse sa Valenzuela.

4. Chen Ju Long alyas Richard Tan alyas Richard Chen, negosyanteng Chinese na may-ari ng Hong Fei Logistics at may-ari rin ng Valenzuela warehouse.

5. Li Guang Feng alyas Manny Li, ang tumulong umano sa pangangasiwa ng mga dokumento ng shipment.

6. Dong Yi Shen alyas Kenneth Dong na inaakusahang middleman sa shabu shipment.

7. Mark Ruben Taguba, private customs broker na umano’y nagsilbing middleman para marelease ang shabu shipment mula sa BoC.

8. Teejay Marcellana, isa ring customs broker na umano’y nagrehistro ng shabu shipment.

9. Eirene May Tatad ng EMT Trading na ginamit umano ni Taguba para maging consignee ng shabu shipment.

No comments

Powered by Blogger.