Header Ads

LOOK: Senator Trillanes Naglabas ng Dokumento na Nagpapatunay na si Paolo Duterte ay Drug Smuggler


Senator Antonio Trillanes IV naglabas ng dokumento na nag uugnay sa anak ni Pangulong Duterte na ngayun ay Vice Mayor ng Davao City na si Paolo Duterte sa illegal shipments, makaraan maisangkot si Paolo Duterte sa drug smuggling.

Huwebes, Agosto 10, muling pinadala ni Trillanes ang mga dokumento. Gayunpaman, ang parehong dokumento ay unang inilabas sa panahon ng kampanya sa pampanguluhan noong 2016.

Ang memorandum na may petsang Disyembre 7, 2007, mula sa Presidential Anti-Smuggling Group, ay nagsabi na si Paolo Duterte ay responsable sa pagpupuslit ng sub-urban vehicles (SUV), luxury vehicles, rice, sugar, at used clothes sa Davao City.

Ang PASG memo ay nilagdaan ni Rosauro D. Bautista, PASG Team-Leader 2 at naka address sa DD para sa Intelligence Ruel Lasal.

Ang memo ay nagpahayag ng ulat na nakapaloob sa “desposition form” ng National Bureau of Investigation na may petsang Disyembre 4, 2007. Nakapaloob sa memo na, “Millions of taxes that should be collected by the government are lost due to the rampant and bold smuggling activities being undertaken right [under] the nose of concerned government agencies by this group”.

Sinasabing ginagawa ni Paolo Duterte ang mga ilegal na aktibidadis kasama ang kanyang kasosyo sa negosyo na si Glen Escandor, anak ng isang Colonel Escandor at may-ari ng Mandaya Hotel.

Nakasaaad pa sa memo na sila ay magkasosyo sa smuggling activities at sanhi ng paglaganap ng mga smuggled SUV at mga high end na sasakyan sa lugar.

Ang lugar ng pinagmulan ng mga sasakyang ito ay mula sa Japan at Amerika.
Sila din daw ay may showroom sa Genesis na matatagpuan sa Pacific Drive malapit sa SM Davao City.
1

2

Bukod sa pagpupuslit ng kotse, Escandor, Paolo Duterte, at kanyang asawa ay sinasabing kabilang din sa iligal na importasyon ng mga damit (ukay-ukay), bigas at asukal, sa pamamagitan ng Port of Davao.            
Ang mga ito ay pinaghihinalaang ginawa nang walang kinakailangang mga permit sa pag-import mula sa Sugar Regulatory Administration at ng National Food Authority.

Ang memo ay nagsabi na ang grupo ay pinaghihinalaang ginagamit ang serbisyo ng isang Judith at isang broker firm na Rose Caballero Brokerage.

Ang isang Toti Cabaniog ay siya di umanong nagtratransak sa Bureau of Customs sa pamamagitan ng BOC kolektor na si John Tan.

Sa House Hearing, ang bise alkalde ay isinangkot sa P6.4 bilyon na halaga ng shabu shipment mula sa China.

Pinawalang-saysay niya ang kanyang pagkakaugnay sa isyu at sinabing ito ay pawang “hearsay” lamang.

Sa panig naman ng MalacaƱang, para sa bahagi nito, sila ay naninindigan sa pahayag ng Pangulo kaugnay sa isyu.

No comments

Powered by Blogger.