Header Ads

SHOCKING: Kian Loyd Runner Umano ng Shabu sa Kanyang Ama?


‘Drug courier’ ng kanyang ama at mga tiyuhin ang 17 anyos na si Kian Loyd Delos Santos na napatay ng mga pulis sa anti-drug operation ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City kamakailan.

Ito ang inihayag ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa base umano sa kanilang tinanggap na intelligence report mula sa hepe ng Caloocan City Police.

“Si Kian ay ginagamit ng kanyang ama. Ang ama niya mismo ang user, mga uncle ang mga pusher diyan at ginagamit si Kian na courier. Kaya nag-surface ang pangalan niya sa area mismo,” paglalahad ni dela Rosa.

“Pati ang intelligence community natin na nagko-conduct ng operation plan sa Caloocan mismo, ang mga kapitbahay doon takot mismo na magsalita ng against sa kanila dahil kilalang siga ang ama pati mga uncle niyan, siga sa lugar. Yan ang nasasagap ng ating mga intel operatives diyan sa area,” dagdag pa ni Bato.

“Dismayed ako sa outcome ng operation, bakit napatay ang bata, pero hindi ako dismayed sa operation itself dahil meron naman talagang basehan ang operation na itinuturo talaga si Kian ay source ng droga doon sa area,” diin ng PNP chief.

Sa parte naman ng pamilya Delos Santos, maraming kakilala, kaklase at kaibigan si Kian na nagpapatunay na isa itong mabuting bata at wala sa hinagap na masasangkot ito sa pagtutulak ng droga.

No comments

Powered by Blogger.