Header Ads

JUST IN: Netizen may banat kay Renato Reyes: Wala ka bang naging ibang trabaho?


Naging viral sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen para kay Renato Reyes Jr., ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan.

Sa bukas na liham na ibinahagi ni Kristina D. Gonzales sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

“Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo?” tanong ni Gonzales kay Renato.

Hindi umano kapani-paniwala na walang nagpopondo sa mga aktibidad ng grupo ni Reyes dahil nakapagtataka kung saan nanggagaling ang perang ipinantutustos ng mga ito sa paggawa ng stage, pag-arkila ng sasakyan at maging pampakain ‘pambayad’ sa mga raliyista.
“May pamilya ka ba? Paano mo sila binubuhay? May regular ka bang trabaho? Natapos ka ba ng college or under graduate dahil nag concentrate ka diyan sa pag ra rally?” patuloy ng netizen.

“Nakikita na kita, high school pa ako, iyang pag mumukha mo ang laging naka balandra sa mga rallies against the government. Walang issue na hindi niyo sinakyan,” dagdag pa nito.

Hanggang nakapagtapos na raw siya ng pag-aaral at nagkatrabaho, si Reyes ay nakikita pa rin niya sa kalye hanggang sa ngayon. Wala na raw ba itong pangarap at inilaan na lang ang halos buong buhay sa ‘pakikibaka’? tanong pa ni Gonzales.

“Ano nga ba ang pinaglalaban mo? para sa bayan? pero sino ang nape perwisyo sa mga ginagawa niyong rallies di ba ang Bayan na sinasabi mong dahilan?” sabi pa nito.

Sa huli ay pinayuhan ng netizen si Reyes na sana ay isipin din nito ang ibang bagay tulad ng pamilya lalo pa’t tumatanda na rin ito, at ‘wag puro na lang ideyolohiya ang pinaiiral.

Hinimok din ni Gonzales si Reyes na ‘maawa’ na sa bansa, at isantabi na ang ideyolohiya nito at bigyan naman ng pansin ang kapakanan ng bayang Pilipinas.

Basahin ang buong post ni Gonzales dito:
PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.
Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas?
Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walang nag babayad sa inyo, saan niyo kinukuha ang mga pang gastos niyo sa pag gawa ng stage, sa pag arkila ng mga sasakyan? sa pag papakain sa mga sumasama sa inyo? sa pag bigay ng 300-500 na bayad sa kanila?
Hindi kami pinanganak ng panahon ni Mahoma, alam ng mga tao na lahat ngayon ay may katapat na Pera.
May pamilya ka ba? Paano mo sila binubuhay? May regular ka bang trabaho? Natapos ka ba ng college or under graduate dahil nag concentrate ka diyan sa pag ra rally ? Nakikita na kita, high school pa ako, iyang pag mumukha mo ang laging naka balandra sa mga rallies against the government. Walang issue na hindi niyo sinakyan.
Natapos na ako ng College, nakapag trabaho na rin at nakapag negosyo na rin, pero ikaw nandiyan pa rin sa kalye. Nawala na ba ang pangarap sa buhay mo? Inilaan mo na lang ba ang buong buhay mo sa pakikibaka? ano nga ba ang pinag lalaban mo? para sa bayan? pero sino ang nape perwisyo sa mga ginagawa niyong rallies di ba ang Bayan na sinasabi mong dahilan?
May edad ka na rin po, malapit na po siguro kayong magkarun ng Dementia or Alzheimer. tanungin po niyo ang sarili niyo, kung may asawa at mga anak kayo, nabigyan ba niyo sila ng panahon at pag mamahal? Sana isipin din niyo ang mga bagay na ito at huwag puro Ideology lang ang pina iiral niyo. Okey lang sana kung tamang Ideology eh.MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT … MAAWA KA SA BANSANG ITO NA MATAGAL NG NALUGMOK DAHIL SA MGA CORRUPT NA TAONG GOBIERNO, MAAWA KA DAHIL HALOS KALAHATI NG KABATAAN NATIN AY GUMON SA BAWAL NA GAMOT, MGA BUHAY NA PATAY! MINSAN, ISA-ISANTABI MO RIN ANG MGA IDEOLOGY MO, BIGYAN MO NG PANSIN ANG KAPAKANAN NG BAYANG PILIPINAS.
SALAMAT.
-Tintin Durano-

1

Marami rin ang nag kumento sa post ni Gonzales.

Ayon naman ni Ed Ortiz:
Wala ng tama ang goberno na ginagawa sa inyo puro na lang kayo puna..dapat tanungin nyo ang sarili nyo kung may na e ambag naba kayo sa goberno..baka sa buong buhay mo dka pa naka pag ambag ng buwis sa goberno..san tayo pupunta pag ganyan tayo ng ganyan .puro na lang mali kung sino man ang maupo.
1



Anu nga ba nagagawa nyang lintik nayan perwisyo lang bulok na mga rally pampa gulo sa maayos na gobyerno trapik ang dulot mga salot din sila eh!! – Ani ni
Francis Asi Abiad Gregorio
2



Source: DefinitelyFilipino

No comments

Powered by Blogger.