Header Ads

LOOK: 48 Brand New na Train na Bili ni Noynoy Aquino, Wala ng Silbi

Nais nang isoli ng Department of Transportation (DOTr) ang P3.8 bilyong halaga ng Dalian trains sa China dahil sablay umano ito na gamitin pa sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez na nakikipag-ugnayan na sila sa “3rd party qualifiers” upang makakuha ng mga dokumentong magsisertipika na hindi na mapapakinabangan ang Dalian trains.

Isa umano sa mga dahilan kung bakit hindi magamit ang nasa 40 tren ay masyadong mabigat o overweight ito para sa riles ng MRT na posibleng ikasira nito o madiskaril ang tren.

Source: ABANTE.COM.PH

No comments

Powered by Blogger.