Header Ads

Ex-Sen. Aminado Na Tinangka Siyang Aregluhin Ng Emisaryo Ng Ombudsman


Naniniwala si dating Senador Jinggoy Estrada na mayroong kurapsyon sa Office of the Ombudsman.

Sa isang ambush interview kay Estrada, sinabi nito na siya mismo ay nakaranas na alukin para magbayad sa Ombudsman kaugnay sa kanyang kaso.

Mayroon anyang emisaryo ang lumapit sa kanya at humingi ng pera kapalit ng pagpapababa ng kanyang kaso.

Sa halip anya na plunder sinabi ng emisaryo na gagawing graft na lamang ang kanyang kaso.

Hindi anya siya pumayag dahil malinis ang kanyang konsensya na wala siyang ginawang katiwalian kaya sinabihan niya ang emisaryo na ituloy na lamang ang kaso.

No comments

Powered by Blogger.